::SEIJI KAWAZU::
Wednesday, March 28, 2007

Mamimiss Ko Kayo


Okay. Ngayon ang araw ng aming Graduation. Wala ako ngayong masabi. Ngunit nakatitiyak ako sa isang bagay - marami akong mamimiss.


Well, sa apat na taong kabangagan ko sa eskwelahang ito, marami akong nakilalang mga nilalang. May mga maluluwag ang turnilyo, iritada, maldita, suplada, sira ulo, mayayabang, malalakas mang-asar, magagaling mambarbero, manyakis, malilibog, malalapad ang nguso, matutulis ang baba, emotional etcetera. Lahat sila'y hindi ko malilimutan.

LAHAT.

Hindi man ako nakagawa ng isang dedication notebook, ang mga litrato ang magsisilbing instrumento sa aking pagbabalik-tanaw, kasabay ng mga masasayang karanasan. Ewan. Ang drama. Marami akong mamimiss.

Kilala niyo na kung sino kayo.

OO, kayong lahat na binigyan ko ng importansya.

Kayong lahat na pinapansin ko.

Kayong lahat na sinasamahan ko.

Magfeeling na kayo.

Maging proud tayo sa ating sarili dahil alam nating lahat na maraming nilalang sa ating paligid ang proud DIN sa atin. Oo, may mga magulang kayo; may mga kaklase kayo; may mga teacher kayo. At higit sa lahat, nandiyan Siya.

Haha. Kurni ku.
Friday, March 23, 2007

Thanks to You


Grabe naman. Parang kaninang umaga lang, depressed ako dahil sa 'gabundok ng mga problemang naibabato sa akin. Ito nga ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit na maaga akong nagising, minarapat kong magkulong at huwag pumasok. Ewan ko. Buti na lamang, maraming pampalubag loob.


Marami nga pala akong gustong pasalamatan. Salamat sa mga taong dumamay sa akin, whether directly or indirectly. Haha... ewan. Kilala niyo na kung sino kayo, at pwede kayong magfeeling kung gusto niyo.

Mag-eenumerate ba ako ng isa?

Okay.

Ang sarap talaga ng feeling kapag may dumarating na isang letter, lalo na kung naka-address ito sa iyo. Ang kaso, hindi ako ang nakatanggap, dahil nga wala ako noong mga oras na iyon sa bahay. Wala rin ang mga magulang. Ang tangi lamang nakatanggap ay ang tenant na nangungupahan sa amin. Hehehe... Mang Nestor kinda congratulated me nang ako'y maqualify (ehem... naooverwhelm lang ako... pagpasensyahan na) sa E.T. (Edwardson Tagura?) Yuchengco Institutional Scholarship. Hahahaha! Naooverwhelm lang talaga ako! Woohoo! Pasensya na!

So ayun. Masasabi kong isa si Jerome E. dela Cruz (Head of Center for Scholarship and Financial Assistance) sa mga nagpalubag ng aking loob. Siyempre, isa rin si Mang Nestor! Haha!

Kei.

Ang kaso... hindi naman talaga ako mag-aaral sa MAPUA eh. Pero sayang talaga... sana sa UP nalang 'yung scholarship na iyon. Mahirap lang naman kasi kami kaya ako nag-aaspire maging Iskolar ng Bayan, you bitch!

Salamat talaga sa lahat.

Anyway...

Pasensya na talaga kung hindi ako nakasama sa bonding time ng Linnaeus. Alam ko naman na I have missed half of my life nang hindi ako nakasipot, kaya huwag MO nang ipamukha.

SORRY.

Anyway, ulit...

Hey You! Yeah, You... salamat talaga sa Iyo. Pinakinggan Mo ako. Sa mga hindi naniniwala sa Kanya, all I can say is that you, as well, are missing half of your lives.

Half-life?
Yuck... haha!

Thursday, March 22, 2007

Mga Kasiyahang Dulot ng Kalokohan


Hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang nasira ang aming computer. Sana talaga'y maayos na ulit iyon; kahit papaano kasi, marami na rin akong nasave doon. Mahalaga rin pala sa akin ang YM Archive. Hehe...


Ang pagtitipon na dahil lamang sa class picture-taking ay nauwi sa isang mahabang panahon ng pagtanaw sa nakaraan.

Maraming picture-taking ang naganap. Kasabay nito, naisip ko na talagang ang dami nang nagbago. May kaunting air of bitterness. Gayunpaman, hindi naman naghari ang galit. Haha! Hindi mo rin aakalain na dati'y magkalove team kami ni Pura. At siyempre, nariyan din ang pagrereminisce sa mga Marconi names.

Ewan ko. Hindi ako masyadong sinisipag magtype eh. Ang masasabi ko lang, sana'y masulit ko ang mga nalalabing oras ko sa MaSci, kahit na ako'y two weeks nang nalalate. Hehehe...

Pero siyempre, walang suspense ang buhay kung hindi ka dinadalaw ng lungkot... galit... pighati... whatever. Hehehe...

Grabe. Hindi pa pala tapos ang Golf Tournament! Tatalunin kita Jan! Kulelat ka Juca! Hahaha!

Grabe rin 'yung usapan ng Linnae kanina. Masyado kayong... curious? Hahahaha...

Sige. Pagpasensyahan niyo na talaga kung medyo walang kwenta ang mga recent posts ko sa blog na ito. Pagbigyan niyo na lang ako, since gagraduate na rin naman kami eh. That is, Batch 07 MaSci. Hahaha! Whatever!
Tuesday, March 20, 2007

As I Walk the Aisle... Weh!


For the past few days, masasabi kong hindi na masyadong hectic ang aming schedule since ang inaatupag na lamang ng batch '07 ay ang pagpapractice sa aming Graduation Rites at ang pagpapaprima sa clearance. Ang puhunan na lamang namin sa mga bagay na ito ay boses, at siyempre, pawis. Haha! Ito'y isang linggong paglilinis ng mga classrooms, pagbabayad ng mga dapat bayaran (at grabe, I'm like SO gipit), at siyempre, pagkanta.

Hindi ako masyadong makapagsurf (at makapagbloghop) dahil hindi ako masyadong komportable sa laptop (wow naman... umaasenso ang kambing) Kaya ayun... medyo nahihirapan din akong magtype! Hehehe... sira 'yung computer namin! Hanubayan...

Grabe. Ang dami talagang nangyari these past few days. Ang masasabi ko lang, I'm so disappointed with (?) myself. Wala lang. Akin nalang 'yun. Wahahahaha!

Yuck. Kahit wala masyadong kwenta itong post na ito, gusto ko pa rin itong ilagay sa blog ko. Wala lang. Kasi para sa akin, masarap yung feeling ng binabalikan ang mga post na ito kung saan ilang araw na lamang ay gagraduate na ako. Kumbaga, ang pinakatitle ng mga recent posts ko ngayong March ay "As I Walk The Aisle". Haha... gets niyo ba?

Parang ganito yun...

Diba, sa simula ng graduation, maglalakad tayo ng sobrang bagal? Ang isinisimbolize ng paglalakad na iyon ay ang mga araw na nalalabi bago sumapit ang graduation. At kapag dumating na ang moment na nakarating na tayo sa ating upuan, ito ang magsisimbolong simula... ng graduation day? Ewan. Bahala na.

At least ako, nagets ko. Haha!

Pasensya na talaga ah... hindi talaga ako makapag-isip. Tapos, hindi rin ako komportable sa pagtytype ngayong araw na ito.

Ahahahaha... salamat ulit sa pagcocomment sa mga wala kong kwentang posts, Mang Gerome!
Saturday, March 17, 2007

Parang Barbero Lang...


Handwriting Analysis:

Handwriting Analysis

What does your handwriting say about YOU?

  • You plan ahead, and are interested in beauty, design, outward appearance,and symmetry.
  • You are a person who thinks before acting, intelligent and thorough.
  • You are diplomatic, objective, and live in the present.
  • You are a talkative person, maybe even a busybody!
  • You enjoy life in your own way and do not depend on the opinions of others.
Parang Laarni lang...
Friday, March 16, 2007

My Sanctuary


Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa tingin ko'y pinipilit ko lamang mag-type ang aking mga naninigas na daliri. Mula sa pinakasimula, tinatanong ko na ang aking sarili. "Bakit itinutuloy ko pa rin ang pagtytype sa kabila ng aking discomfort?"

Ewan. Walong araw nalang. Walong araw na mabilis lilipas. Gusto ko nang LUMIPAS ang lahat, ngunit sa kabilang banda'y nagdadalawang-isip.

Ako siguro'y nilalamon lamang ng galit. Galit - dati nama'y hindi ako marunong magalit.

I guess I'll regret the day that I have mastered the art of swearing at certain people.

And at the same time, I'll regret the day that I've learned to express myself through words. Words, which I think, are not enough to convey whatsoever is needed to be known.

I guess, for now, it's better to shut things up; keep matters closed. That is, keep everything more closed.

Now, I've realized how stupid I really am for generating such public blog knowing that for the past years, I have been laying all of these deeper things, as they call it, in an isolated sanctuary.

Thursday, March 15, 2007

Paprint


Nananawagan ako sa iyo. Oo, sa iyo na may mabuting kalooban.

Paprint. Mamayang 11:30 pm. Sana 'diba may makabasa nito.

Pasensya na. Pagod (grabe, napapagod pala ang mga tamad) kaya matutulog muna. Sana naman magising ako para maisend ko sa iyo itong ipapaprint ko; kung sino ka man, ang masasabi ko lang, talagang ginintuan ang puso mo.
Saturday, March 10, 2007

Dilemma


Waw. Magkasunod na entry. Kagulat ba?


Nalilito ako ngayon kung anong landas ang aking tatahakin. TLE ang ugat ng lahat ng ito. Namimili tuloy ako sa pagitan ng Civil Engineering, Chemical Engineering at Electronics and Communications Engineering.

Why Civil Engineering?

Ito lang naman kasi ang pinakaunang pumasok sa aking utak, inspired by Michaelle Cueco's ate. Kaya lang, matapos kong balangkasin ang aking mga kakayahan, I realized that Physics will never love me kahit gaano pa kagaling magturo si Sir Bau. Haay... ang drama ba? Ayon sa mga tao sa aking paligid, lahat naman daw ng Engineering courses ay may pisika. Ang kaso, masyado raw marami sa Civil. Hindi ko kayang lulunin ang hirap, lalo na't, katulad nga ng sabi ko, hindi ako mahal ng Pisika. Hehe. Ito nga pala ang nailagay kong first choice sa aking Application Form. Wish me the best of luck.

Bakit naman Electronics and Communications Engineering?

Dahil siguro sa guro naming si Ginoong Bangayan, naisip ko na magiging madali na sa akin ang ECE sa kolehiyo dahil kahit papaano ay may background na ako sa mga aralin ukol dito. Ang kaso, palagi akong late sa klase niya. Kaya naman hindi ko masyadong naabsorb ang lahat ng kanyang mga naituturo. Bukod pa roon, medyo pasang-awa ang mga grado ko sa kanya. Medyo discouraging, hindi ba? Hehe... second choice ko naman iyon sa aking Application Form.

And Chemical Engineering?

Dahil nga sa kagalingan ng aming guro na si Binibining Coco, nainspire akong isali sa aking dilemma ang Chem Eng. Kahit papaano naman, naging maganda ang aking mga grado sa Kimika noong ikatlong taon. Medyo ok rin naman ang mga grado sa Advanced Chemistry. Pero ewan. Mahirap na rin ang magshift.

Kailangan nang magbalangkas. Ano kaya sa tatlo ang landas na tatahakin? Kung ano man sa ito ang aking pipiliin, naway maging maunlad ako sa propesyong ito. Hehe. Drama ba?

Mayroon pa.

Sa hindi malamang kadahilanan, qualified ako sa scholarship ng MAPUA. Hehe. Na-flatter nga ang bits (bitch). Ibig sabihin kasi noon, mas mataas sa 80% ang aking nakuha. So you see? Haha. Umaakyat na naman ang aking dugo sa aking visage.

Napakaganda ng mga benefits kung saka-sakaling kakaririn ko ang scholarship sa iyon. 'Yun nga lamang, sa tingin ko, medyo nabadtrip sila noong tinanong kong "Maaari po bang magproceed sa screening ng scholarship kahit hindi pa ako nakakapagconfirm ng slot?" Hahaha. Reservation kasi ang term nila; confirmation ang term na ginagamit sa UP. Hehe.

Hay...

Hehehe... sana nga Mang Gerome, makapag-UP ako. Hehe.
Friday, March 09, 2007

Wala Lang


After restless nights of staying in front of the computer, finally, I was able to resume to my blogging. As you can see, I am expressing my self in a language I am not good at. Well, I just want to give a shot, at least, in making an entry written in English.

It's a good thing to know that I was able to finish almost all of the requirements my teachers have demanded. Though I was, at first, reluctant upon memorizing the specification thingy, in the end, it was such astonishment on my part that I was able to memorize such one-page shit in a short span of time. Thanks for all those who have forced/inspired me. Haha

Ayoko na nga. Mukha akong tanga. Haha.

Lahat ng bagay... Ewan.

Sa mga nakalipas na araw, o maaaring linggo, alam kong hindi ako masyadong nakapaglaan ng pawis sa mga gawaing ukol sa paaralan. Kaya naman ang lahat ng mga markang nakuha ko ngayon, ito man ay mataas o mababa, ay nakapagbigay sa akin ng kasiyahan. Ang totoo nga niyan, masasabi kong talagang napakasarap ng pakiaramdam kapag nakakakuha ka ng mataas na marka sa isang pagsusulit na alam mong hindi mo naman pinaghandaan. Maganda rin ang naidudulot na pakiramdam sa akin kapag ako ay nakatatanggap ng isang pasang-awang marka sa isang pagsusulit, dahil ipinaaalala lamang nito ang aking pagiging tamad sa aking mga aralin.

Hay... bahala nalang. Lasapin nalang nating mga seniors ang mga huling araw natin sa MaSci.

Ganito pala ang pakiramdam... ( )
About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las Piñas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Hindi Ako Mapakali
  • Let the Stream of Consciousness Flow
  • I Hate History
  • A Cliff and a Hanger
  • College Life Unfolds!
  • Harmony
  • Manny Villar and The Kabalarian Philosophy
  • Hang Over
  • All Apologies
  • Rebirth Flame
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008
  • Current Posts


  • Links

    ~Mga Links na Walang Kwenta~

  • Friendster Account

  • ~Linnaeus '06~

  • Araño, Anna Christina
  • Avila, Precious Bernadette
  • Basada, Ma. Angelica
  • Cueco, Michaelle
  • Estella, Pauline Gidget
  • Gutierrez, Bernard Jude
  • Malic, Roland Andre'
  • Paraon, Gaizle Daine
  • Pura, Anna Nicole
  • Ramos, Allister Kim
  • Santos, Iric Kevin
  • Terrado, Ihris Jay
  • LINNAEUS '05-'06

  • ~Moseley '07~

  • Arzadon, Juan Carlos
  • Bautista, Laurence Martin
  • Buendia, Charley Marian Regina
  • Chua, Anna Beatriz
  • Kirong, Nephele Fabiola
  • Nicolas, Camille Dae
  • Soriano, Darren

  • ~Batchmates (2007)~

  • Agnasin, Jermaine Luis
  • Barit, Jay-V James
  • Baron, Kathrina Jane
  • Co, Joseph Rei Mark
  • Cordova, Stephanie Pauline
  • Celis, Lean Carlo
  • Daza, Kris Jaeyani
  • Dimailig, Royce Margaux
  • Fabian, Carlos Miguel
  • Labrias, Phillippe Ronel
  • Macapagal, Pauline Anne
  • Meñez, Liezl
  • Mercader, Christine Minnelle
  • Paz, Niño Joseph
  • Pias, Thea Marie
  • Ramos, Anna Phylicia
  • Santelices, Leslie Anne

  • ~Mga Nakatatanda~

  • de las Alas, Edgar
  • Vedeja, Gerome

  • ~Mga Nakababata~

  • Mitsuhashi, Masaki

  • ~Sila Rin, Puntahan Niyo!~

  • Bautista, Ferdinand

  • Javelosa III, Ranulfo
  • Mendoza, Paolo
  • Rosales, Colleen Marciel
  • Ursua, Klara Patricia
  • Vitorio, Renato Rainier
  • Mishi



  • Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~