Wala Lang
After restless nights of staying in front of the computer, finally, I was able to resume to my blogging. As you can see, I am expressing my self in a language I am not good at. Well, I just want to give a shot, at least, in making an entry written in English.
Lahat ng bagay... Ewan.
Sa mga nakalipas na araw, o maaaring linggo, alam kong hindi ako masyadong nakapaglaan ng pawis sa mga gawaing ukol sa paaralan. Kaya naman ang lahat ng mga markang nakuha ko ngayon, ito man ay mataas o mababa, ay nakapagbigay sa akin ng kasiyahan. Ang totoo nga niyan, masasabi kong talagang napakasarap ng pakiaramdam kapag nakakakuha ka ng mataas na marka sa isang pagsusulit na alam mong hindi mo naman pinaghandaan. Maganda rin ang naidudulot na pakiramdam sa akin kapag ako ay nakatatanggap ng isang pasang-awang marka sa isang pagsusulit, dahil ipinaaalala lamang nito ang aking pagiging tamad sa aking mga aralin.
Hay... bahala nalang. Lasapin nalang nating mga seniors ang mga huling araw natin sa MaSci.
Ganito pala ang pakiramdam... ( )
0 Comments:
Post a Comment
<< Home