Need A Break
"Huwag kang magmadali, para ka namang hinahabol ng isang batalyon ng mga elepante."
Minsan, gustong ko ring sabihin ang pariralang iyan sa isang elementong nagpapaikot sa ating buhay: ang oras. Grabe, kay bilis nga naman talaga ng oras. Parang kailan lamang, kumuha ako ng Entrance Test sa MaSci; tapos ngayon, isa na akong senior at malapit nang magtapos! Ang bilis talaga ng oras - lalo na kung hindi mo ito napapansing lumilipas.
- Sa ika-9 ng Pebrero, gaganapin na ang aming JS Promenade
Kaukulang reaksyon? Hayun, hindi ako tulad ng iba na nagkakaroon ng kaukulang paghahanda. Ang katunayan nga niyan, hindi pa ako fully-paid sa bayarin ukol dun. (donations, anyone? haha) Fortunately, may taong mahaba ang baba na nagsabing sasagutin ng mader niya ang kalahati ng fee. Pero ewan. Won't elaborate further.
Oo nga, talagang ang bilis ng oras. Ngunit napansin ko sa aking sarili na parang hindi ko ito masyadong napahahalagahan sa mga nakaraang araw. You see, lagi akong nalalate sa eskwela dahil lamang sa kabagalan ko sa banyo. Malimit kasi akong natutulala (ok, ang drama.). Ewan. Ayoko na nga. Won't elaborate further.
Oo, ang bilis ng oras. At unti-unti ako nitong pinipira-piraso. Malapit na rin ang Periodic Test. Well, good luck nalang sa mga taong napipiraso.
3 Comments:
At 9:45 AM,
blueengreen said…
may mga tao talagang hindi big deal ang prom... alo na pag walang lovelife....hahahahaha... pis...
anywya... grabe ka naman at isang "taong may mahabang baba" ang deskripsyo mo sa taong un..... heheheheh... pero malay ko nga ba naman kung mahaba talaga ung baba nun... hahahahahaha....
mabilis talaga ang oras lalo na pag fourth year... ngayon nga di pa rin ako totally na kakamoveon... at gusto ko pa ring bumalik sa masci... so icherish mo na lang ang mga nalalabi mong moments with your friends.. and enemies as well....
good luck sa test!!!!
At 7:44 AM,
Anonymous said…
ahh basta saken - big deal ang Prom. Tsaka Seniors na tayo, haha. Last Prom na natin yan!!!
:p Gudlak sa Finals.
Daan.
At 2:54 PM,
Anonymous said…
napadaan. aprub!
Post a Comment
<< Home