Turning Point
Mabuhay! Matapos ang ilang araw ng paghihirap, heto akong muli at nanggugulo sa blog na ito. Ewan ko. Masaya nga ba ako ngayon? Ewan. Hindi ko alam. Ang masasabi ko lang, maraming nangyari.
Una sa lahat, natutuwa nga pala ako't nakapasa ako sa mga Universities na kinuhanan ko ng test. Although hindi ko pa nakukumpirma ang aking status sa De La Salle University (dahil nga kulang ako sa mga requirements), ok na rin ang buhay kong walang kwenta dahil naipasa ko naman ang Ateneo at UP. Ang totoo nga niyan, iyon ang aking top two choices.
Anyway, alam niyo bang gurang na ako? Oo. Isipin niyo nalang, ang araw na ito ang isa sa mga turning points ng aking buhay. Nagets niyo na ba ang ibig kong sabihin? Well anyway, dahil alam ko naman na hindi ako masyadong magaling magbigay ng context clues, sasabihin ko na lang kung bakit ako gurang - birthday ko kasi ngayon.
So ayun. Marami namang bumati. Pero at the same time, ang dami ko na namang narealize. Wala lang. Ayoko na ngang i-elaborate. Basta.
Salamat nga pala sa lahat ng mga bumati. Hay...
Napansin kong unti-unti nang bumabalik ang John Paul Abad na nakilala ko noong ikatlong taon. Oo, nagbabalik na siya along with his deadly negative trait (oo, iisa lang siya. very distinct). Won't elaborate further (ulit!). Haha!
In other news...
Life is full of imperfections; but it does not stop me from feeling good. It's not mockery, I tell you.
Iyan nga pala ang disposition ko ngayong araw na ito. Malamang ang ilan sa inyo ay napataas ang kilay sa kawirduhang naidulot ng quote na ito. Ewan ko. Siguro, weird lang talaga ako. Hehe!
Pahabol: Babuy-baboy na naman ako ngayong ikatlong markahan. Well, what's new? Haha! Bye bye!
Special Mentions:
- Manong Edgar
- Manong Gerome
- Mr. Vindicated
- Aling Gidget
- Aling Bakekang