::SEIJI KAWAZU::
Wednesday, August 30, 2006

Antayteld


Grabe. Hello blag! Hello bah-lag! Wala lang. Magbubuhos ulit ako... ng mainit na tubig. Wala lang. Grabe. Sana'y ma-cancel nalang ang lahat na parang dalawang vectors of equal magnitude but opposite in direction. Sana'y mabura nalang ang lahat na parang isang doodle na kinukulayan mo ng white. Sana'y maglaho na lamang ang lahat na tulad ng isang tubig na kapag pinakuluan ay nagiging isang singaw. Wala lang

Ako yun. But not exactly me. Ang gulo no? Wala lang. Ganun talaga ang John Paul-ish style of sharing thoughts. Wala lang. Masakit nga pala... oo, masakit. Pero nasa state pa ako ng denial. Saka parang nag-assuage siya nang kaunti dahil sa iilang mga taong naka-usap ko sa YM. Grabe. Salamat talaga! Mayroon pa pala akong mga masasandalan sa oras ng problema. Hehe... salamat talaga... yun nga lamang, parang I'm numbing the pain for a while.

Sabi nga sa Harry Potter:

"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it."


Wow... alam ko pala yung quote na yun. Pero grabe... naaawa ako sa sarili ko. Mamaya, siguradong tatagas ang sakit... ang mga luha... ang drama... ang drama ko naman. Hahaha! Nakakaawa talaga ako! Hahahaha! Sige tawa pa! Hehe... sige!
Saturday, August 26, 2006

High School Life at Stress


Ang saya talaga ng high school life. Yun nga lamang, masaya na masakit. Napaka-immature ko pa talaga. Pero I love being childish.

Nagpakitang gilas nga pala ang mga 3rd and 4th years sa Sabayng Bigkas kahapon. Grabe. Naging issue nga daw yun sa forum ng 3rd years eh. Gayunpaman, wala akong pakialam. Masyado akong maraming dinadalang problema at ayoko nang makisawsaw sa isang napakawalang kwentang issue. Hay... napansin ko lang lately na masyado na akong nagiging selfish. Siguro ganito lang talaga pag problemado. Ayoko na. I hate the present John Paul Abad. Masyado na siyang selfish. Masyado na siyang maraming dinadalang problema. Kahit na walang assignments, lagi pa rn siyang stressed at problemado. Siguro, isa itong ebidensya na ang buhay ay mayroon ding "foreshadowing". Siguro'y pinapaalam lang sa akin ni God na mas marami pa akong pagsubok na haharapin sa future. Gayunpaman, feeling ko talaga, hindi ko na ma-eendure ang aking mga future problems. Ang hirap talaga.

Kahapon, sinikap kong mag-escape from stress. Naging energetic ako. Hehe. Yung mga Linnae at Einstein [especially Jean!], pinatawa nila ako nung Sabayang Bigkas namin! Ahahahaha... okie lang naman sa akin yun. Nagalit nga sa akin sina Ihris dahil binigay daw nila yung best nila... tapos ako... hay... ayoko nang idagdag iyon sa mga problema ko noh. Lilipas din ang kanilang galit... hehe.

Grabe. 'Enjoy all you can' ang drama ko sa GBox. Sinamahan ko ang Linnae hanggang sa kadulu-duluhan. Minsan nalang mangyayari ang mga ganun. Ayokong magkaroon ng mga regrets, okie? Mahirap na... Ayoko talaga... namimiss ko na nga ang Linnae eh. At siguro, dapat ko na ring i-maximize ang time ko for Moseley. May priorities na ako: High School Life. I-maximize ang time with friends. Ewan. Dapat nga daw, GC kami ngayong 4th year. Pero feeling ko, hindi ko na magagawa iyon. Sa College nalang? Hehe.

So ayun nga. Kasi naman, bonded na rin kaming mga Moseley. Ayokong mamiss sila during summer. Ayokong mangulila ako sa kanila tulad na lamang ng pangungulila ko sa Linnae. Grabe. Lagi ko namang kasama ang Linnae. Pero nangungulila ako sa aming mga 3rd year days. Namimiss ko na ang aming classroom. Namimiss ko na ang iba't-ibang uri ng mga Linnae wars na naganap sa aming mumunting classroom tulad nang:

  1. Kapag testing day kasi, tahimik ang Linnae [bihira lang kaming maging tahimik!]. Tahimik naman, pero may sisigaw na "Shut up Allister!" or "Shut up nguso". Tapos biglang magkakaroon na ng chain reaction at biglang iingay na ang buong classroom. Hahahahahah. I miss those days.
  2. Namimiss ko na yung 15-minute war na sinimulan namin ni Gidget. Nagbatuhan kami ng mga empty bottle at kung anu-ano pa. Hahahahaha. Nagalit nga si Iric nun eh. Hehehe.
  3. Namimiss ko na yung pag-stay namin sa hallway ng classroom. Ang lamig kasi dun. Ang sarap mag-stay dun lalo na kapag kasama ko ang Linnae, Marconi at Padolina.
Grabe. Ayoko nang mag-enumerate. Baka matulad lang ako kay Holden Caulfield.
"Don't tell anybody anything. Because if you do, you'll start missing them."
At sa tingin ko, that's what I am doing with my blog. Sinasabi ko na ang lahat sa blog na ito. At sa tingin ko, kulang pa ang capacity ng aking mga daliri upang mailagay ang lahat ng aking mga memories. Hehe.

Ang swerte ko naman. Pinasaya ako ng lahat ng mga nakilala ko sa MaSci especially Padolina, Marconi, Linnaeus and Moseley. Hehehehe...

Ayan. Masyado pa rin akong stressed. Pero at least, naibuhos ko na ang ilan sa aking mga hinaing. Ayoko na talagang umusad ang oras. Grabe. Fully-loaded with summative tests ang week ko ngayon. Absent kasi ako noong nagtest kami sa Pinoy. Kaya naman may summative test ako sa Pinoy AT Social Studies on Monday. Sana nga wala si Ma'am Purificacion Jacob eh... para naman ma-alleviate ang stress. Hehe..

Grabe. Napaka-hot ko naman. Naiirita ako sa iilang mga tao. At lalong mas maiinis ako kung may isa man sa inyo na magtatanong sa akin kung sino/sinu-sino iyon/mga iyon. Oo, tama. Ganun iyon.

Grabe. Nakakaiyak talaga ang stress na ito. Hindi ko mabudget ang oras ko. Gusto kong matulog. Pero alam ko na stress pa rin ang aabutin ko sa paggising. Grabe. Kulang pa ako ng dalawang check-up sa doctor. Siguradong aabsent nanaman ako in the near future.

Ayoko na. Ayoko na... hay... Hindi ko pa nailalagay ang 25% ng aking hinaing sa entry na ito... Hay...

Kung alam lang sana... kung alam lang sana... grr!!! Ayoko na. Iyak na ako. Ayoko kasing ipaalam. Dahil ayoko. Ayoko. Self matters. Ayokong nagshashare ng aking mga problemang deep-below-the-abyss ang lalim. Ahahahahaha. Balu-baluktot na ako. I'm so illiterate.

Sige ayan muna. Ewan. Sana talaga huwag na itong bisitahin ng mga tao. Hehe. Sige.

Buh-bye John Paul! Ano kaya ang aking kahihinatnan? Tsk tsk tsk...
Monday, August 21, 2006

Some Death Anniversary?


Sa tuwing sumasapit ang ika-21 ng Agosto ay ginugunita natin ang anibersaryo ng pagkamatay ni Benigno "Ninoy" Aquino. Kung ako siguro ang naging isa sa mga mapapalad na apo niya'y talaga namang malulungkot ako sa araw na ito. Gugugulin ko na lamang ang aking oras sa kama habang iniisip ang mga kabayanihang kanyang nagawa para sa bayan. Sa kasamaang palad, kami'y dukha lamang. Hindi dumadaloy sa aming dugo ang dugong Aquino. Kaya naman...


Grabe! Ang saya naman ng araw na ito! Una sa lahat, birthday kasi ni Ihris! Hehe. Nagpunta nga pala kaming school para gunitain ang anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy Aquino. Ngunit ang lahat ng aming pagod ay nauwi lamang sa wala. Ngunit hindi naman "LAHAT".

Nagkaroon din naman ng bonding moment ang Moseley. Grabe. Naging mga nomads kami sa Jollibee dahil sa paghihintay ng pagbubukas ng SM. At dahil sa kakulangan ng mga upuan ay pinaalis kami nung guard. How harsh. He's so harsh. He'sh sho harsh!

Nung nag ten 'o clock na, babush Jollibee na ang drama ng mga tao. Kumain muna kami sa Greenwhich [hindi ko alam ang spelling! ano ba yan!], habang ang iba naman ay talagang sosyal at kumain sa Pizza Hut [sagot lahat ni ET]. Namalimos nga lang ako kay Abychu at Laurence eh, kaya naman sulit talaga ang aking kain. Hehe.

Pagkatapos kumain, nagpa-picture ulit kami. Grabe. Napaka-limited ng aming poses. Wala lang. Hindi ko feel ang aming kalayaan upang gumawa ng sariling madramang picture, dahilan sa pangingialam ng isang napakawalang kwentang photographer. Pero okie lang naman. Maganda pa rin naman ang kinalabasan.

First Pose




Second Pose



Last Pose!



Pagkatapos magpictorial [mas sosyal ang term!], nagpunta kami sa QUANTUM upang magliwaliw. Grabe. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakapagsaya doon nang hindi gumagasta. Hehe. Dukha kasi ako nung mga times na iyon. Grabe. Sumayaw kami nina Lorraine sa isang napakadeffective na Dance Dance Revolution. Naglaro rin ng drums effect ang mga moshlis. Nanggigigil nga si Laurence dun sa tambol eh. Si Kam Kam naman, iniisip si Pedro habang nagbebeat [joke! peace tayo Kam!] Si Lea, Darren at Frances naman ay nagpakitang gilas sa larangan ng Dance Mania [tama ba ako? yung may kamay effect] Naglaro din kami nung mga alien na pinupukpok [ahahahaha, nandaya na nga lang kami dun eh]. Masaya rin yung spot the difference dun sa photo ekek [courtesy of Nephele, Anna Rose and company, featuring Moseley] Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami. Grabe. Nagwithdraw si Laurence, bumili ng mais si Lea, nagkandawalaan ang Moseley. Ngunit sa huli ay namayagpag pa rin ang kabutihan. Nagkita-kita rin kami! Pagkatapos noon ay masaya kaming naglakad sa ilalim ng madramang ulan. Nagsimula kaming maghiwalay-hiwalay ng landas.

Ngunit hindi naman completely...

Kasama kong dumaan sa underpass sina Lea taba at Laurence tangkad. Bumili nga si Laurence ng dalawang Bavarian at drinks sa Mister Donut. Ngunit dahil nga sa maraming mga batang pasaway na gutom sa lugar na iyon, nasnatch ang isang donut ni Laurence. Hehe.

Matapos noon ay sumakay kami ng jeepney hanggang sa makaabot kami ng Pedro Gil. Nang bumaba kami sa waiting shed, saka na kami TALAGANG naghiwalay-hiwalay.

At doon nagtatapos ang isang storyang naganap noong anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy Aquino.
About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las Piñas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Hindi Ako Mapakali
  • Let the Stream of Consciousness Flow
  • I Hate History
  • A Cliff and a Hanger
  • College Life Unfolds!
  • Harmony
  • Manny Villar and The Kabalarian Philosophy
  • Hang Over
  • All Apologies
  • Rebirth Flame
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008
  • Current Posts


  • Links

    ~Mga Links na Walang Kwenta~

  • Friendster Account

  • ~Linnaeus '06~

  • Araño, Anna Christina
  • Avila, Precious Bernadette
  • Basada, Ma. Angelica
  • Cueco, Michaelle
  • Estella, Pauline Gidget
  • Gutierrez, Bernard Jude
  • Malic, Roland Andre'
  • Paraon, Gaizle Daine
  • Pura, Anna Nicole
  • Ramos, Allister Kim
  • Santos, Iric Kevin
  • Terrado, Ihris Jay
  • LINNAEUS '05-'06

  • ~Moseley '07~

  • Arzadon, Juan Carlos
  • Bautista, Laurence Martin
  • Buendia, Charley Marian Regina
  • Chua, Anna Beatriz
  • Kirong, Nephele Fabiola
  • Nicolas, Camille Dae
  • Soriano, Darren

  • ~Batchmates (2007)~

  • Agnasin, Jermaine Luis
  • Barit, Jay-V James
  • Baron, Kathrina Jane
  • Co, Joseph Rei Mark
  • Cordova, Stephanie Pauline
  • Celis, Lean Carlo
  • Daza, Kris Jaeyani
  • Dimailig, Royce Margaux
  • Fabian, Carlos Miguel
  • Labrias, Phillippe Ronel
  • Macapagal, Pauline Anne
  • Meñez, Liezl
  • Mercader, Christine Minnelle
  • Paz, Niño Joseph
  • Pias, Thea Marie
  • Ramos, Anna Phylicia
  • Santelices, Leslie Anne

  • ~Mga Nakatatanda~

  • de las Alas, Edgar
  • Vedeja, Gerome

  • ~Mga Nakababata~

  • Mitsuhashi, Masaki

  • ~Sila Rin, Puntahan Niyo!~

  • Bautista, Ferdinand

  • Javelosa III, Ranulfo
  • Mendoza, Paolo
  • Rosales, Colleen Marciel
  • Ursua, Klara Patricia
  • Vitorio, Renato Rainier
  • Mishi



  • Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~