::SEIJI KAWAZU::
Saturday, August 26, 2006

High School Life at Stress


Ang saya talaga ng high school life. Yun nga lamang, masaya na masakit. Napaka-immature ko pa talaga. Pero I love being childish.

Nagpakitang gilas nga pala ang mga 3rd and 4th years sa Sabayng Bigkas kahapon. Grabe. Naging issue nga daw yun sa forum ng 3rd years eh. Gayunpaman, wala akong pakialam. Masyado akong maraming dinadalang problema at ayoko nang makisawsaw sa isang napakawalang kwentang issue. Hay... napansin ko lang lately na masyado na akong nagiging selfish. Siguro ganito lang talaga pag problemado. Ayoko na. I hate the present John Paul Abad. Masyado na siyang selfish. Masyado na siyang maraming dinadalang problema. Kahit na walang assignments, lagi pa rn siyang stressed at problemado. Siguro, isa itong ebidensya na ang buhay ay mayroon ding "foreshadowing". Siguro'y pinapaalam lang sa akin ni God na mas marami pa akong pagsubok na haharapin sa future. Gayunpaman, feeling ko talaga, hindi ko na ma-eendure ang aking mga future problems. Ang hirap talaga.

Kahapon, sinikap kong mag-escape from stress. Naging energetic ako. Hehe. Yung mga Linnae at Einstein [especially Jean!], pinatawa nila ako nung Sabayang Bigkas namin! Ahahahaha... okie lang naman sa akin yun. Nagalit nga sa akin sina Ihris dahil binigay daw nila yung best nila... tapos ako... hay... ayoko nang idagdag iyon sa mga problema ko noh. Lilipas din ang kanilang galit... hehe.

Grabe. 'Enjoy all you can' ang drama ko sa GBox. Sinamahan ko ang Linnae hanggang sa kadulu-duluhan. Minsan nalang mangyayari ang mga ganun. Ayokong magkaroon ng mga regrets, okie? Mahirap na... Ayoko talaga... namimiss ko na nga ang Linnae eh. At siguro, dapat ko na ring i-maximize ang time ko for Moseley. May priorities na ako: High School Life. I-maximize ang time with friends. Ewan. Dapat nga daw, GC kami ngayong 4th year. Pero feeling ko, hindi ko na magagawa iyon. Sa College nalang? Hehe.

So ayun nga. Kasi naman, bonded na rin kaming mga Moseley. Ayokong mamiss sila during summer. Ayokong mangulila ako sa kanila tulad na lamang ng pangungulila ko sa Linnae. Grabe. Lagi ko namang kasama ang Linnae. Pero nangungulila ako sa aming mga 3rd year days. Namimiss ko na ang aming classroom. Namimiss ko na ang iba't-ibang uri ng mga Linnae wars na naganap sa aming mumunting classroom tulad nang:

  1. Kapag testing day kasi, tahimik ang Linnae [bihira lang kaming maging tahimik!]. Tahimik naman, pero may sisigaw na "Shut up Allister!" or "Shut up nguso". Tapos biglang magkakaroon na ng chain reaction at biglang iingay na ang buong classroom. Hahahahahah. I miss those days.
  2. Namimiss ko na yung 15-minute war na sinimulan namin ni Gidget. Nagbatuhan kami ng mga empty bottle at kung anu-ano pa. Hahahahaha. Nagalit nga si Iric nun eh. Hehehe.
  3. Namimiss ko na yung pag-stay namin sa hallway ng classroom. Ang lamig kasi dun. Ang sarap mag-stay dun lalo na kapag kasama ko ang Linnae, Marconi at Padolina.
Grabe. Ayoko nang mag-enumerate. Baka matulad lang ako kay Holden Caulfield.
"Don't tell anybody anything. Because if you do, you'll start missing them."
At sa tingin ko, that's what I am doing with my blog. Sinasabi ko na ang lahat sa blog na ito. At sa tingin ko, kulang pa ang capacity ng aking mga daliri upang mailagay ang lahat ng aking mga memories. Hehe.

Ang swerte ko naman. Pinasaya ako ng lahat ng mga nakilala ko sa MaSci especially Padolina, Marconi, Linnaeus and Moseley. Hehehehe...

Ayan. Masyado pa rin akong stressed. Pero at least, naibuhos ko na ang ilan sa aking mga hinaing. Ayoko na talagang umusad ang oras. Grabe. Fully-loaded with summative tests ang week ko ngayon. Absent kasi ako noong nagtest kami sa Pinoy. Kaya naman may summative test ako sa Pinoy AT Social Studies on Monday. Sana nga wala si Ma'am Purificacion Jacob eh... para naman ma-alleviate ang stress. Hehe..

Grabe. Napaka-hot ko naman. Naiirita ako sa iilang mga tao. At lalong mas maiinis ako kung may isa man sa inyo na magtatanong sa akin kung sino/sinu-sino iyon/mga iyon. Oo, tama. Ganun iyon.

Grabe. Nakakaiyak talaga ang stress na ito. Hindi ko mabudget ang oras ko. Gusto kong matulog. Pero alam ko na stress pa rin ang aabutin ko sa paggising. Grabe. Kulang pa ako ng dalawang check-up sa doctor. Siguradong aabsent nanaman ako in the near future.

Ayoko na. Ayoko na... hay... Hindi ko pa nailalagay ang 25% ng aking hinaing sa entry na ito... Hay...

Kung alam lang sana... kung alam lang sana... grr!!! Ayoko na. Iyak na ako. Ayoko kasing ipaalam. Dahil ayoko. Ayoko. Self matters. Ayokong nagshashare ng aking mga problemang deep-below-the-abyss ang lalim. Ahahahahaha. Balu-baluktot na ako. I'm so illiterate.

Sige ayan muna. Ewan. Sana talaga huwag na itong bisitahin ng mga tao. Hehe. Sige.

Buh-bye John Paul! Ano kaya ang aking kahihinatnan? Tsk tsk tsk...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las PiƱas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Some Death Anniversary?
  • Tons of Work To Do!
  • Some Yahoo Messenger Archive
  • Namasyal (Mwuhahahahaha!)
  • Hmmm... Ah? Wala Lang
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008


  • Links


    Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~