::SEIJI KAWAZU::
Thursday, July 13, 2006

Namasyal (Mwuhahahahaha!)


Hello ulit! Wow! Hindi ako makapaniwala... nag-update ulit ako. Sadly, wala pa akong iniinform tungkol dito sa aking napakawalang kwentang blog. Under Construction pa kasi eh.


Ayan! Magkukwento muna ako!

Sunday, July 9, 2006

Ito yung araw na ang dami kong ginawa... este, "NAMIN". Magsisimba lang naman kami... sa Tagaytay. Hello?! Like, "duh?"?! Haha. Wala lang. So ayun nga. Matagal-tagal ko na ring pinangarap dumaan sa Cavite... I mean, matagal ko nang pinangarap ang masilayan ang mga tanawin dun. Actually nagpupunta naman kami dun eh. Pero sa shortcut kami dumadaan... papuntang Bacoor yun.. yung bahay sa may Bacoor. O ayan. So bakit Cavite ang pinag-uusapan natin e sa Tagaytay nga kami pumunta? Wala lang... siyempre, sa Cavite muna kami daraan before we reach Tagaytay.

So ayun nga. Grabe. Ang lamig talaga ng simoy ng hangin dun. Parang aircon. Haha. Tapos, ang laki pa nung simbahan, compared dun sa amin. Saka modernized talaga sila to the highest level! Nakalagay talaga sa "slideshow" ang kanilang mga reminders ekek chuva. At grabe. Uulitin ko ulit ito for the nth time... ang lamig talaga dun! Hahah! Sana dun nalang kami nakatira. Huwahahahah! Pero sadly, hindi masyadong maliwanag ang sound system ng church nila. At bukod pa dun, hindi pa masyadong maliwanag magsalita yung mga nagbabasa! Tapos... yung rev. father pa nila! [!!!!] Ay naku... para siyang lasing! Ay naku... ansama ko naman. Halos makatulog na ako... ang lamig kasi dun eh. Buti nalang, naintindihan ko pa rin yung "essence" ng sinabi nung pari. Haha.

Tapos... dahil nga medyo tanghaling tapat na... naghanap kami ng kainan. Para naman makalamon na kami. Haha. Hulaan niyo kung saan kami kumain...

McDonalds? Nah... ilang beses na akong kumain dun eh! [Hello!? May McDonalds malapit sa MaSci...]

Chowking? Pede rin... kaso nakakasawa na rin eh...

Leslie's? Haha... mahal dun noh. Saka kahit papaano naman, na-try na rin namin kumain dun. Doon ko na-realize na "ayoko" ng sisig! Haha! Saka dun dati nagdate sina Sir Arcilla at Ma'am Basco. Baka makakita kami ng panda saka-sakaling pumunta ulit kami dun.

So ayun nga. Saan ba kami kumain? Actually, hindi masyadong maunlad ang civilization doon. Pero I tell you, sulit naman ang mga pagkain dun. Haha. Ang name ng kainan na yun ay... tantananantantan! [haha, tama ba spell ko]

MUSHROOMBURGER!

Hahah... Okie. Idedescribe ko yung kainan. Katulad nga ng sabi ko, hindi siya masyadong modernized. Pero katulad nga "DIN" ng sabi ko, parang may aircon sa Tagaytay. Kaya naman parang well-circulated ang aircon sa lugar na iyon--kahit na wala silang aircon. Saka nakakatuwa talaga yung train dun! Haha! Saka meron pa silang exhibit ng mga mushrooms. Haha! Ano ba yan. Napakaredundant na ng aking pagtawa!

So ayun nga [ay naku... redundant talaga ako]. Grabe. Karaniwan ng mga delicacies nila dun ay may mushroom. At doon ko lang din narealize na "I HATE MUSHROOMS!" Buti nalang, burger steak ang inorder ko. At grabe. May ice cream sila dun. [May mushroom din kaya yun? Like, duh?!]

Ayan! Pagkatapos namin kumain, nagpunta kami dun sa playground malapit sa kainan. At grabe. I can say na isa siyang "munting paraiso". Nag-wish kami dun sa wishing well. Haha. Redundant nanaman. Pagkatapos nun, nag seesaw kami ng mga kapatid ko! Hahahaha! Ayan tuloy masakit yung tuhod ko nung araw na yun. Ang bibigat kasi nila. Tapos, nag-swing kami! Hahahaha! Ang lamig talaga dun! Pagkatapos naming mag-asal bata, umupo kami dun sa shed. Hahaha. Ay naku. Ang jugjug talaga ng mga parents ko. Haha. Pero natural na siyempre yun sa mga mag-asawa. Haha!

Tapos, may nakita pa kaming pusa dun! Haha! Kasi kamukha niya yung dati naming pusa na ang pangalan ay "Shao-Shao". Kaya yun. Hinimas-himas namin siya. Talagang ang cute ng pusa! Balak na nga naming iuwi eh! Kaya lang... waaaahh!!!! Naku! May hairfall na yung pusa! Punung-puno ng balahibo yung suot namin! Hahaha! Nagalit tuloy sina mama. Kaya hindi na namin inuwi. Haha!

At ayun. Pagkatapos nun, pumunta kami ng Parañaque! Haha. Ang layo naman... ewan. Pero siyempre, umuwi muna kami ng bahay. Hindi na sumama yung mga kapatid ko. Actually, ayoko na din sumama papuntang Parañaque. Kaya lang, may pinapabili ako sa kanila. Kaya yun. Sumama ako. Grabe. Ang pangalan pa nung kaibigan nina Papa at Mama ay "JP". Hahahaha.

So ayun. Grabe. Haha! Ayun lang ang masasabi ko nung araw na iyon.

At ngayon...

Thursday, July 13, 2005

Grabe. Kanina lang, ang sipag kong magtype dito. Pero ngayon... parang naubusan ako ng energy. Wala lang... bukas ko nalang ikukwento ah! Sige... Kailangan ko talaga itong makwento bukas!!!! Grrr!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las Piñas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Hmmm... Ah? Wala Lang
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008


  • Links


    Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~