Hindi Ako Mapakali
Hindi ko talaga alam kung bakit. Nang makarating ako sa bahay, hindi ako masyadong mapakali. Pinaupo ako ni mama sa hapagkainan at sinabing "magpataba raw ako." Kasama ang paborito kong gravy, nilatak ko ang litsong manok.
Hindi pa rin ako mapakali.
Kinuwento ko sa mama ko ang pasang natamo ko isang araw bago umuwi. Hindi ko nga alam kung pasa ba ang tawag dun. Basta tumama ang kuko ng paa ko sa isang elevated platform na hindi naman kasi kapansin-pansin. Nag-alala ako kasi baka kailangang operahan. Buti na lang hindi raw. Sana nga hindi.
Hindi pa rin ako mapakali.
Sa sobrang sabik, kinalikot ni papa ang laptop sa pamamagitan ng pagbrowse sa aking mga pictures. Kasabay nito, tinanong niya ako kung bakit raw nakahubad si Oble. Sinagot ko naman siya ng "Ha? Ewan ko rin eh." Katwiran naman niya, paano raw kung tinanong ako ng mga 'di taga-UP. Ewan ko. Oo nga noh. Haha ;p
Hindi pa rin ako mapakali.
May nararamdaman akong kakaiba sa aking pwetan. Haha. May tagiyawat ako sa pwet. Yuck! Haha. Sakit nga eh hindi ako makaupo sa mga matitigas na upuan, kaya naman sa kama na lang ako.
Hindi pa rin ako mapakali.
Nang dumating ang katropa nina mama at papa, umalingawngaw ang tawanan sa paligid. Hindi naman ako nabahala o kung anuman. Natutuwa nga ako't masaya ang aking mga magulang. Ginugol ko ang oras sa pagbrowse sa internet. Mabilis man ang internet connection, mabagal naman ang gamit kong PC kaya naman ubod pa rin ng bagal ang takbo ng pagsusurf. Tiningnan ko ang multiply accounts ng mga taong espesyal sa aking buhay. Namimiss ko na kasi sila. Basta alam na nila kung sino sila. Naisip ko na baka may tao lang akng namimiss.
Hindi pa rin ako mapakali.
Ewan ko. Ewan talaga. Nagpunta muna ako sa palikuran upang tingnan ang sarili sa salamin. Nalaman ko na lang bigla kung bakit hindi ako mapakali.
Natatae pala ako. Sige hanggang sa muli!