Reunion: The Aftermath
To all MaScians: HOY! Before you continue reading, gusto ko lang sanang ipaalam sa inyo na maaaring hindi kayo masyadong maka-relate sa entry na ito. Anyway, kung isa kang pasaway then indulge!
~
My instincts tell me that mountains of projects and assignments are needed to be finished before the resume of classes; but it seems that I lack the nerve to start working. I don’t know. I feel like I forgot all the things we have tackled for the past months. So why exert effort on making this entry? Well, as they say, expect the unexpected (connect?) Today, longing and joy visited my ego unexpectedly.
~
Bumulong na naman sa akin ang aking instincts. Ang sabi niya, magtagalog nalang daw muna ako. Hehe.
~
Kung mapapansin niyo, December 31, 2006 na ang date ng entry na ito. Madaling araw ko na kasi ginawa ang post na ito. Eh yung ikukwento ko nga kasi, December 30 nangyari! Ang kulit niyo.
~
So ayun nga. Natutuwa ako dahil after three long years, napagdesisyunan muli ng aking mga kaklase sa elementarya na mag-reunion. Ewan. Oo, gusto ko silang lahat makita. Pero may isa pang side of me na nagsasabing huwag nalang daw ako pumunta dahil hindi pa ako handa. At dahil nga may gera na naman sa loob ng aking bangag na ulo, parang neutral lang ang feeling ko (ngek? may gera tapos neutral?!) Alam niyo na... kasi nga 50% of me says pumunta ako and 50% says huwag akong pumunta, kaya siya neutral.
At dahil nga may gera sa ulo ko, hindi ako nakarating sa napagkasunduang oras (which was supposed to be 10 am) At bukod pa sa gerang aking dinadanas, nahirapan din akong kumbinsihin si Mama due to some unknown reasons, again. But anyway, bumigay rin siya. Haha.
So ayun nga.
Thank God, nakapunta ako sa bahay nina Brenna by just following directions given by her mother. Haha. Hanggaling!
Sige, ipakilala ko muna yung mga present sa reunion.
~
Aia Micah Dioneda
Kung MaScian ka, malamang may chances na kilala mo siya. Hindi ko naman masasabing naninibago ako sa itsura niya considering na ilang beses ko na siyang nakikita sa apat na taon namin sa MaSci. Well, ganoon rin naman ang opinion ng aking mga kaklase - wala raw masyadong nagbago kay Aia. Pumayat lang raw (ng kaunti)
Aibar Rabi Rashad Bibi (?!)
Sa pangalan pa lamang, mahihinuha na Muslim siya. Hehe. Sabi nga ng aming mga guro noong elementarya, mukha raw siyang bumbay. Well, his look and stature when I saw him convinced me na mukha talaga siyang bumbay. Haha. Saka ang lalim na ng boses niya. As usual, joker pa rin siya. Saka nanligaw raw siya lately kay Eunice, pero hindi siya tinanggap. Haha. Marunong na rin siya maggitara!
Desmond Bryan Carrasco (Las Piñas National High School - Main)
Siya nga pala ang ka-loveteam ni Aia noong elementarya. Wala namang nagbago sa itsura niya, pero may girlfriend na siya (aww...) S1 nga raw ang position niya sa CAT eh (well, as if may suspense ang CAT namin...) Tahimik pa rin siya as usual, pero approachable pa rin naman.
Madel Salas (University of Perpetual Help)
Hehe. Hindi ko rin masasabing nagbago yung itsura niya. Pero siyempre, siguradong maraming nababaliw na nilalang sa kanya dahil sa kanyang taglay na kagandahan. Bukod pa roon, mahihinuha rin ang kanyang energy. May topak rin siya. Hehe.. saya nga eh. Player nga siya ngayon ng Volleyball sa school nila eh.
Rose Ann Malijan (Las Piñas East National High School)
Isa pa itong career girl. President kasi siya ngayon ng SSG sa school nila (bigating bata...) As usual, pamatay ang boses niya na sa tingin ko ay alto. Sa tingin ko rin ay wala siya masyadong ipinagbago, dahil nga lagi ko siyang nakikita sa Friendster sa tuwing nag-susurf ang kapatid ko. Magaling ring maggitara at punung-puno ng energy like Madel.
Brenna Bernadette Gratil (St. Joseph Academy)
Itong batang ito, ngayon ko lang ulit nakita. Kaya naman nanibago ako sa itsura niya ngayon - medyo maigsi na ang buhok niya compared noong elementary. As usual, puno pa rin ng humor ang kanyang mga pamatay na hirit. Adik rin sa gitara. Sa bahay niya pala kami nagtipun-tipon.
Jeffrey Fernandez (Las Piñas National High School - Main)
Grabe. Ito ang isa sa mga hindi ko agad namukhaan. Sa pagkakatanda ko kasi, maputing maputi siya dati. Pero ngayon, medyo kayumanggi na siya. Yung nature nga pala ng buhok niya ay katulad ng kay David Chow. Nagkaanim na girlfriends na rin siya. Adik rin sa gitara.
Mhelrick Batadlan (?!)
Itong batang ito ay medyo nahihiyang makihalubilo sa amin. Pero natutuwa ako nang binati niya ako noong ako ay nakarating (hindi ko nga rin siya namukhaan eh, bad me!) Grabe. Mukha na talaga siyang mabait (unlike dati, mukhang masama? haha!)
Rosalianne Valiente (St. Joseph Academy)
Siya naman ay long-haired na ngayon. Tahimik lang siya pero sa tingin ko, tinatago lang niya ang kanyang kulo. May jugjug na rin siya - ilan na kaya ang mga lalaking nagdaan sa kanya? (ang dami kasi niyang pimples eh. haha!)
Nathaniel John Cruz
Ito rin, isa pang MaScian. So ano pang masasabi ko? Ganoon pa rin siya! Hahahaha! Hay naku... dahil sa kanya, medyo may nalaman sila tungkol sa akin, with the help of Aia.
Mark Viñas (Las Piñas East National High School)
Ito ang pamatay. Dati rati, ang taba niya. Imagine Marc Ladaga, ganoon siya kataba dati (hahahahaha... sorry Mr. Ladaga. Hindi po kami close!) Pero ngayon. halos kasing payat ko na siya! Grabe. Bassist ata siya sa kanilang banda.
Mary Eunice Lodripas (Las Piñas National High School - Main)
Hu-waw. Habulin ito ngayon ng lalaki (isa na nga roon si Aibar) Marami nang nanliligaw diyan eh. Pero siyempre, mabait pa rin siya. Kami nga yung madalas na magkausap eh (magkatabi kasi kami noong Grade 6)
~
So ayun. Si Aibar ang may pinakamahabang description ah! Hahaha...
~
So pagkatapos nga noong eating session namin, ni-reminisce namin yung mga past experiences namin. Imagine, six years rin kami nagkasama, kaya naman medyo matagal rin yun. Nagulat nga ako at marami silang natatandaan. Napag-usapan pa nga namin yung isang teacher na itatago ko sa pangalang "Reming"
Naging guro kasi namin ito sa Science noong Grade 4 at Grade 6 (no wonder kung bakit wala kaming alam sa Science. Haha) Ganito palagi ang senaryo sa klase niya:
Reming: (magkakabit muna siya ng mga visual aids. I-expect mong sakop ang buong balckboard sa dami ng kanyang naisulat) Okay class, Today, we are going to discuss about "Tides"
Class: zzzzzzzzzzz.....
After five minutes...
Reming: Alam niyo ba, dalawang beses na akong namatay. Nakita ko na nga si San Pedro sa langit eh...
Class: zzzzzzzzzzz.....
After five minutes...
Reming: Tarantado talaga iyang asawa kong iyan... Ang tagal tagal ko nang naghihirap nang dahil sa gagong iyan! Kung hindi ko lang sana nakilala iyon, mayaman na ako! (sabay hagulgol... then she will burst into tears)
Class: ... ha?
So ayun nga. So much for you to know why Pamplona Elementary School Central has produced a lot of science-inclined students. Haha!
~
So pagkatapos nga ng bonding session namin, nilaro namin yung napakatraditional game na nilalaro namin dati: ang "Kindat-Killer" Grabe. Natawa rin kami kay Jeffrey kasi hindi namin ma-distinguish kung kumikindat ba siya or not (singkit kasi eh. haha) Mayroon naman isang time na kung saan nag-CR si Eunice (katabi ko nga pala siya) Noong dinistribute na yung cards, Killer card yung napunta sa akin. Kaya naman pinagpalit ko yung card namin ni Eunice. Tapos yun pala, Killer din si Eunice! Hahahaha... Kaya nag-join forces kami. Kunwari, inosente kami. Kaya naman at the end of the game, ang naparusahan ay yung mga pulis. Haha!
Pagkatapos noon, biglang dumating ang isa pa naming kaklase na galing pa sa ibayong dagat (Joke! Sa Cavite lang siya.) na si Kirstin. Grabe. Inulanan niya tuloy ako ng intriga about... things. Haha! Pero siyempre, hindi ako nagpatalo. Bigla rin kasing dumating si Jeonard (ang kanyang past...) Hehe. Kaya naman todo pang-aalaska ako sa kanya. Haha. Nagkaroon din pala kami ng vanity session (picture picture!) Pero siyempre, pulubi kaming lahat kaya naman puro cellphones lang ang gamit namin in picture-taking. Nagkaroon din kami ng mga soundtrip sessions dahil nga musically-inclined ang karaniwan sa amin.
At grabe. Nag-darts rin kami. Haha. As usual, maraming muntik matamaan (at puro si Nathaniel ang dahilan) Ang galing nga eh, natamaan ko yung gitna. Haha!
Grabe. Ang bilis nga ng oras. Hindi ko akalaing eight hours na pala ang nakalipas (10am-6pm) Grabe. At para mas humaba pa ang aming bonding session, nilakad namin mula bahay hanggag tricycle terminal. After that, nag-bus kami (kung tutuusin, pwede ang jeep. trip lang)
Sayang nga eh. Ako ang unang bumaba. Sayang naman. Pero okie lang. Grabe. Mamimiss ko rin sila.
Thank you for giving me such set of friends. Rizal. Padolina. Marconi. Linnaeus. Moseley
PESC. MSHS. 'Da best!
Grabe. Salamat talaga. Salamat talaga sa experience na ito. Salamat sa lahat ng mga taong napalapit at nagpahalaga sa akin. Salamat talaga. In return, gagawin ko rin ang lahat upang maipadama sa inyo ang tunay na halaga ng isang kaibigan.
Madrama ba? Haha!
Buti nalang pala at nagpunta ako.
Sige paalam!