::SEIJI KAWAZU::
Sunday, December 17, 2006

When I Think None, I Speak Much


Ito ang mga panahon sa aking pamumuhay kung saan hindi ko masyadong feel ang energy na magpost sa isang blog, katulad na lamang ng blog na ito na maaaring naclick niyo lamang kung saan-saan. Gayunpaman, alam ko naman na pangkasalukuyan lamang ang nararamdaman kong ito. Alam niyo naman, iba talaga ang naidudulot ng mainit na kilma; ito ang dahilan kung bakit mainitin ang ulo ng karaniwan sa mga Pinoy - tulad ko, tulad mo, tulad nating lahat. At kung iyong mapapansin, nagsisimula na naman akong maging korni.

Well, ganyan talaga ang buhay - minsan nakakatawa, minsan corny, minsan nakakairita, minsan malungkot, minsan nakakadepress at minsan naman ay suicidal. At ayan, inistorbo na naman ako ng aking butihing ina; dahilan kung bakit naputol ang aking flow of thought. At naku, nag-eexist pala ang pariralang "flow of thought" sa aking vocabulary.

Iniisip ko man na wala masyadong nangyari sa aking buhay, hindi rin talaga maiiwasan na mangyari ang mga dapat mangyari. Bago ko pa man ikwento ang mga bagay-bagay, pasensya na kung medyo nalilito kayo sa aking mga pinagsasasabi. Ganyan talaga kapag bangag ang isang bangag (redundancy is in me, again)

Bago pa man sumapit ang Sabado, tinawagan ko na ang aking mga ka-grupo sa Humanities. Ipinagbigay alam ko sa kanila na kami ay magdadaos ng isang pagsasanay ukol sa isang sayaw na hindi pa namin napagkakasunduan kung ano man iyon noong mga oras na iyon. Isa-isa kong tinawagan sina Abe, Dane Marc at Dazelle sa kailaliman ng gabi. Nagpapasamalamt naman ako at pumayag si Abe na kami ay magsanay ng sayaw sa kanilang bahay.

Nang sumapit ang Sabado, sumikat ang araw (korni ko na naman) As usual, na-late na naman ako sa pinagkasunduan naming oras na ala-una ng hapon. Sa kabutihang palad, nakita ko sina Abe at Pia, kasama si Ihris. Nakita ko rin ang iba ko pang mga kaklase tulad na lamang nina Frances, Tam Tam, Clem, Lea at Lorraine sa KFC, habang sila ay kumakain.

Nang kami ay tumungo sa aming butihing eskwela, nakita ko naman ang aking kaklase na si Dazelle, na pawang alas-nuwebe pa naghihintay. Nakita ko rin ang aking butihing kaibigan na si Laurence, na pawang mahaba pa rin ang baba (hindi na dapat sabihin pa), kasama ang kanyang mapagmalasakit na ina na nagngangalang Arlene.

And off we went. Nakadalawang sakay kami bago makarating sa mumunting bahay nina Abe. Kahit papaano naman ay napatunayan kong hindi naman pala ganoon kasungit ang itay ni Abe. Napakamaaalahanin pa nga niya sa kanyang mga panauhin.

Bago kami nagsimulang magformulate ng mga steps, sinalakay muna namin ang kompyuter ni Abe. Grabe, dahil nga sa DSL ang connection nila, naka-experience ako ng isang speed-of-light connection. Haha. Nag-search muna kami sa limewire ng kantang maaring malapatan ng steps at aayon sa uri ng sayaw na napili namin.

At sa wakas, nakahanap rin kami ng kanta makalipas ang isang oras. Ang kanta namin ay "Jailhouse Rock" at ang aming sayaw ay boogie. Haha. Unti-unti kaming nakabuo ng mga steps. At kahit papaano naman, nakarating din sa wakas si Jan at nabuo namin ang steps. Una sa lahat, salamat nga pala mga gadgets ni Abe. Dahil sa kanilang mabilis na connection, nakanood pa kami ng mga Boogie lessons at kung anu-ano pa.

Well, akala ko ba, hindi ako magkukwento. Well, buti na lamang at inistorbo akong muli ng aking ina. Kung hindi, marami pa akong maikukwento, tulad na lamang ng randomized INTRAMS na gaganapin sa December 19-21. Hay naku, nakakainis talaga. Bakit kasi sa Basketball pa ako napunta?! Hay...

Sige, saka ko na lamang iyon ikukwento. Kung saka-sakali mang nakaabot ka sa parteng ito ng entry, salamat sa pagbabasa!

Hala. Nakalimutan ko na yung joke ni Gidget! Haha! Sige sa susunod na entry ko na lamang iyon ipopost. Haha

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las PiƱas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Today, I Speak Nonsense
  • Arf! Arf!
  • Pinakaswerteng Tanga
  • I Never Realized, I Have Been Dreaming For So Long...
  • 0.001% of Rants
  • Testing...
  • Antayteld
  • High School Life at Stress
  • Some Death Anniversary?
  • Tons of Work To Do!
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008


  • Links


    Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~