::SEIJI KAWAZU::
Saturday, September 09, 2006

Testing...


Hay... Ewan. Wala lang. Sinubukan ko lang mag-add ng entry kasi baka kinakalawang na ang aking writing skills. Ang totoo nga rin niyan, wala pa akong napapasang mga artifacts. Nagulat nga ako nung Friday dahil nagpost NANAMAN si Ma'am De Leon ng bagong artifact. Hay.... ano nang gagawin ko? Nakakadiscourage kasi yung pinakaunang artifact na ibinigay niya eh. Pinakaayaw ko sa lahat ang gumawa ng isang magazine ekek. Hay... ayoko na.

Bwisit din talaga iyang sinat ko. Pinahirapan talaga ako buong Thursday at Friday. Kaya naman napakatamlay ko raw nung mga araw na iyon. Grabe. Namiss ko nga ang aming skul eh. Isang araw lang naman ako nawala. Haha.

Grabe. Lagot na rin ako sa TLE. Nagsimula raw kasi yung jobs namin nung Thursday, the day when I was absent. Akalain mo iyon? Siguradong matotodas nanaman ako sa Monday.

Kailangan ko na talagang mag-bagongbuhay. Halos bagsak lahat ang aking grades! Hay... eto na ata ang pinakamababang set of grades na nakuha ko sa aking pag-aaral sa MaSci. Hay... at siguradong ayun din ang nafefeel ng iba. Grabe. Ang baba ko sa Physics! Well, I deserve all the marks I got. Kaya lang, bakit hindi man lang sila magbigay ng consideration since 4th yr na kami at lalayas na kami sa MaSci? Yung high grades na nga lamang ang maireregalo nila sa amin tapos hindi pa nila maibigay.... Hay... What a GC talk.

Speaking of GC... feeling ko, medyo naging GC ako ngayon 4th year. Yun nga lamang, GC na tamad. Haha... gets niyo ba? Ang totoo kasi niyan, mayroong isang taong nag-impluwensiya sa akin... and that person is connected to the word *o**. Hahah. Ang landi ko nanaman.

Speaking of malandi... ang landi talaga nung ginawang script ni Laurence. At oo nga pala... manonood din pala si Gidget bangag sa aming practice. Hindi raw siya magiging distraction... well, lets see.

Ang saya talaga nung CS namin nung Friday! Despite na kaunti lamang kami ay nagawa pa rin naming magsaya. Haha.

Napansin ko rin na maraming nag oonline na Linnae these past few days eh. Grabe. Ano kayang dahilan?

Naaadik na talaga ako sa Sponge Cola! Hahahaha... well, dati pa ako adik dun eh. It's just that yung kanta nilang Neon ang talaga namang tumagos sa aking puso [ang drama!].

Sige hanggang dito na muna. Feeling ko talaga, kinakalawang na ang aking writing skills... pasensya na kung medyo bangag ang post na ito. Sige bye bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las PiƱas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Antayteld
  • High School Life at Stress
  • Some Death Anniversary?
  • Tons of Work To Do!
  • Some Yahoo Messenger Archive
  • Namasyal (Mwuhahahahaha!)
  • Hmmm... Ah? Wala Lang
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008


  • Links


    Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~