::SEIJI KAWAZU::
Monday, August 21, 2006

Some Death Anniversary?


Sa tuwing sumasapit ang ika-21 ng Agosto ay ginugunita natin ang anibersaryo ng pagkamatay ni Benigno "Ninoy" Aquino. Kung ako siguro ang naging isa sa mga mapapalad na apo niya'y talaga namang malulungkot ako sa araw na ito. Gugugulin ko na lamang ang aking oras sa kama habang iniisip ang mga kabayanihang kanyang nagawa para sa bayan. Sa kasamaang palad, kami'y dukha lamang. Hindi dumadaloy sa aming dugo ang dugong Aquino. Kaya naman...


Grabe! Ang saya naman ng araw na ito! Una sa lahat, birthday kasi ni Ihris! Hehe. Nagpunta nga pala kaming school para gunitain ang anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy Aquino. Ngunit ang lahat ng aming pagod ay nauwi lamang sa wala. Ngunit hindi naman "LAHAT".

Nagkaroon din naman ng bonding moment ang Moseley. Grabe. Naging mga nomads kami sa Jollibee dahil sa paghihintay ng pagbubukas ng SM. At dahil sa kakulangan ng mga upuan ay pinaalis kami nung guard. How harsh. He's so harsh. He'sh sho harsh!

Nung nag ten 'o clock na, babush Jollibee na ang drama ng mga tao. Kumain muna kami sa Greenwhich [hindi ko alam ang spelling! ano ba yan!], habang ang iba naman ay talagang sosyal at kumain sa Pizza Hut [sagot lahat ni ET]. Namalimos nga lang ako kay Abychu at Laurence eh, kaya naman sulit talaga ang aking kain. Hehe.

Pagkatapos kumain, nagpa-picture ulit kami. Grabe. Napaka-limited ng aming poses. Wala lang. Hindi ko feel ang aming kalayaan upang gumawa ng sariling madramang picture, dahilan sa pangingialam ng isang napakawalang kwentang photographer. Pero okie lang naman. Maganda pa rin naman ang kinalabasan.

First Pose




Second Pose



Last Pose!



Pagkatapos magpictorial [mas sosyal ang term!], nagpunta kami sa QUANTUM upang magliwaliw. Grabe. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakapagsaya doon nang hindi gumagasta. Hehe. Dukha kasi ako nung mga times na iyon. Grabe. Sumayaw kami nina Lorraine sa isang napakadeffective na Dance Dance Revolution. Naglaro rin ng drums effect ang mga moshlis. Nanggigigil nga si Laurence dun sa tambol eh. Si Kam Kam naman, iniisip si Pedro habang nagbebeat [joke! peace tayo Kam!] Si Lea, Darren at Frances naman ay nagpakitang gilas sa larangan ng Dance Mania [tama ba ako? yung may kamay effect] Naglaro din kami nung mga alien na pinupukpok [ahahahaha, nandaya na nga lang kami dun eh]. Masaya rin yung spot the difference dun sa photo ekek [courtesy of Nephele, Anna Rose and company, featuring Moseley] Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami. Grabe. Nagwithdraw si Laurence, bumili ng mais si Lea, nagkandawalaan ang Moseley. Ngunit sa huli ay namayagpag pa rin ang kabutihan. Nagkita-kita rin kami! Pagkatapos noon ay masaya kaming naglakad sa ilalim ng madramang ulan. Nagsimula kaming maghiwalay-hiwalay ng landas.

Ngunit hindi naman completely...

Kasama kong dumaan sa underpass sina Lea taba at Laurence tangkad. Bumili nga si Laurence ng dalawang Bavarian at drinks sa Mister Donut. Ngunit dahil nga sa maraming mga batang pasaway na gutom sa lugar na iyon, nasnatch ang isang donut ni Laurence. Hehe.

Matapos noon ay sumakay kami ng jeepney hanggang sa makaabot kami ng Pedro Gil. Nang bumaba kami sa waiting shed, saka na kami TALAGANG naghiwalay-hiwalay.

At doon nagtatapos ang isang storyang naganap noong anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy Aquino.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las PiƱas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Tons of Work To Do!
  • Some Yahoo Messenger Archive
  • Namasyal (Mwuhahahahaha!)
  • Hmmm... Ah? Wala Lang
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008


  • Links


    Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~