Hmmm... Ah? Wala Lang
Wala lang. Ewan ko ba kung bakit naisipan kong gumawa ng isang napakawalang kwentang blog. Una sa lahat, hindi ako matiyagang mag-update. Pangalawa, ang dami ko nang mga blog accounts pero puro nagiging haunted lamang ang mga ito. At pangatlo... ang pangatlo... wala lang. So bakit ko nga ba naisipang gumawa ULIT ng panibagong blog for the nth time?
Noong weekend kasi, pinasend ko kay Gidget lahat ng mga pictures ng Linnae. Well, hindi naman niya lahat nasend. Pero siyempre, enough na rin yun to reminisce (tama ba spelling ko?) the times we [Linnaeus] had during the past school year. Wala lang. Habang tinititigan ko yung picture ng Linnae ay tinutugtog yung Jeepney by Sponge Cola. May line kasi dun na talagang napaka-introspective e...
"Naaalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalim ng kalawakan
Naaalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan"
Oo! Alam ko dati pa ang kantang iyon! Pero... wala lang. Namimiss ko lang talaga ang Linnae. Sayang nga lang at yung tinititigan kong picture ay hindi kumpleto. Wala kasi dun yung isa naming classmate. Kahit papaano kasi ay parte na din siya ng Linnaeus at siyempre, hindi naman magandang tingnan ang isang puzzle na may missing piece, righty? Yung mga ibang Linnae nga, ayaw na nila maalala pa ang tungkol sa kanya... ewan. Siguro, magkahalong galit at pagkamiss ang nararamdaman nila. Haha. Drama naman nun.
Grabe. Hanggang ngayon, yun pa rin yung kanta. Jeepney by Sponge Cola pa rin! Haha! Tapos nag-offline na si Lea (9:59 pm, Wednesday, July 5, 2006). Oo nga pala! Speaking of July 5, 2006... birthday nga pala ni Sir Bautista ngayon! Haha! Kaya naman nagpa-"quiz" lang naman siya kanina. At ang baba ko! Sabi kasi ni sir, "MALI" yung sagot ko... kaya inisip ko malayo ang sagot ko sa true answer. Yun pala, "MALI LANG NG SIGN!" Imbis na "-pi/3", "+pi/3" ang ginawa ko. Tapos, binura ko pa! Ginawa kong "-2pi/3" kaya mas lalong naging mali. Haha. Hay... kawawa naman ako... kailangan ko ang Physics sa College! Bwisit kasi yung panda-roaming-in-masci na iyan e! Two years kami nag-Physics! Two years ko siyang naging teacher! Pero HALOS wala akong natutunan! Kay Ma'am Pinar lang ata ako natuto ng Physics e! Hay...
O ayan. O, ano bang meron ngayon? Wala lang. Hindi ko naabutan ang mga dapat abutan. At yun ay ang pagtulog. Haha. Bahala na kayong gumawa ng mga inferences.
WORD OF THE YEAR: GC [Grade Conscious]-- hindi iyan para sa akin kung hindi ay para sa mga tao sa paligid ko na sadyang napaka-"GC"! Oo! As in super duper to the highest level! At isa na dun ang pinaka-bangag na timid bee sa buong sanlibutan. Hay naku. Pati tuloy yung mga classmates ko, nasasabihan ko na rin ng GC! [At dahil dun, inaasar na din akong GC] Tulad na lang ni... nila. Nilang LAHAT! LAHAT ng MOSELEY nasabihan ko na ata ng GC! Hahahah! Buh-bye blog! See you next year! Hahah! NEXT YEAR!
2 Comments:
At 11:34 PM,
r. maleeeeeec said…
-COMMENT-
At 1:49 PM,
Anonymous said…
[url=http://www.pinskerdream.com/bloghoster/?u=videoseabigail2]SWF to Video Converter Pro 4.5[/url] [url=http://www.adulthostedblogs.com/?u=videosealisha2]Coding Workshop Pocket DVD Wizard 5.0.0[/url]
JW Player for Silverlight Video Edit Magic 1.8
http://www.adulthostedblogs.com/?u=videosearia6 WebcamGreetings Studio
[url=http://www.adulthostedblogs.com/?u=videoseaddison2]Okoker AVI to DVD VCD DIVX MPEG Converter&Burner[/url] [url=http://www.pinskerdream.com/bloghoster/?u=videoseabraham4]Video 2 SWF 1.013[/url]
Super DVD Creator 9.5 Xilisoft DVD Creator 3.0.26.0314
http://blogs.laverdadigital.com.mx/?u=videoseamethyst5 Super Pick
1 Video Converter 4.1.47
my icq:858499940385
Post a Comment
<< Home