Tadyak ng Kabayo
Ilang sandali na lamang, kaming mga nasa ikaapat na taon ay isa-isang makatatanggap ng tadyak palabas ng aming pinakamamahal na paaralan. Ngunit siyempre, hindi kami makalalabas basta basta. Ang pinakaaasam na tadyak ay makakamit lamang matapos ang isang delubyong punung-puno ng mga mapanlinlang na pagpapahirap ng aming mga guro.
Ngunit siyempre, kailangan munang lumipas ng JS Promenade na magaganap sa ika-16 ng Pebrero. Siya nga pala, balik na ulit sa dating gawi ang MaSci. Kaming mga nasa ikaapat na taon ay makararanas ng isang promenade na magaganap sa pinakaexclusibong lugar sa balat ng lupa. Malaking halaga ng pera ang nawaldas upang maganap sa lugar na ito ang isang napakagarbong kaganapan. Kaya naman inihahandog ko sa inyo ang lugar na iyon; walang iba kundi ang Manila Science High School Quadrangle! Oh 'diba, sosyal? May five-star hotel na malapit lamang - ang Maceda Hotel. Ang buong populasyon ng MaSci ay siguradong maaaccomodate!
Pero siyempre, as usual, hindi ako masyadong excited. Huwag sanang maopend ang mga nasa ikatlong taon. Ako naman ay dati pang hindi nagkakaroon ng kaukulang paghahanda sa mga magagarbong ebent na nangyayari sa aking buhay tulad na lamang ng JS(T) Promenade. (Junior-Senior-Teacher's Promenade)
Ayun lamang ho. Wala lang ho. Walang unity ang aking entry. Haha!
Paalam!
1 Comments:
At 9:35 PM,
Anonymous said…
Ang daya talaga. Feel ko, mas masarap mag-prom inside MaSci. Pasaway kasi si Herson. *ggrr*
Post a Comment
<< Home