Mga Kasiyahang Dulot ng Kalokohan
Hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang nasira ang aming computer. Sana talaga'y maayos na ulit iyon; kahit papaano kasi, marami na rin akong nasave doon. Mahalaga rin pala sa akin ang YM Archive. Hehe...
Ang pagtitipon na dahil lamang sa class picture-taking ay nauwi sa isang mahabang panahon ng pagtanaw sa nakaraan.
Maraming picture-taking ang naganap. Kasabay nito, naisip ko na talagang ang dami nang nagbago. May kaunting air of bitterness. Gayunpaman, hindi naman naghari ang galit. Haha! Hindi mo rin aakalain na dati'y magkalove team kami ni Pura. At siyempre, nariyan din ang pagrereminisce sa mga Marconi names.
Ewan ko. Hindi ako masyadong sinisipag magtype eh. Ang masasabi ko lang, sana'y masulit ko ang mga nalalabing oras ko sa MaSci, kahit na ako'y two weeks nang nalalate. Hehehe...
Pero siyempre, walang suspense ang buhay kung hindi ka dinadalaw ng lungkot... galit... pighati... whatever. Hehehe...
Grabe. Hindi pa pala tapos ang Golf Tournament! Tatalunin kita Jan! Kulelat ka Juca! Hahaha!
Grabe rin 'yung usapan ng Linnae kanina. Masyado kayong... curious? Hahahaha...
Sige. Pagpasensyahan niyo na talaga kung medyo walang kwenta ang mga recent posts ko sa blog na ito. Pagbigyan niyo na lang ako, since gagraduate na rin naman kami eh. That is, Batch 07 MaSci. Hahaha! Whatever!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home