As I Walk the Aisle... Weh!
For the past few days, masasabi kong hindi na masyadong hectic ang aming schedule since ang inaatupag na lamang ng batch '07 ay ang pagpapractice sa aming Graduation Rites at ang pagpapaprima sa clearance. Ang puhunan na lamang namin sa mga bagay na ito ay boses, at siyempre, pawis. Haha! Ito'y isang linggong paglilinis ng mga classrooms, pagbabayad ng mga dapat bayaran (at grabe, I'm like SO gipit), at siyempre, pagkanta.
Hindi ako masyadong makapagsurf (at makapagbloghop) dahil hindi ako masyadong komportable sa laptop (wow naman... umaasenso ang kambing) Kaya ayun... medyo nahihirapan din akong magtype! Hehehe... sira 'yung computer namin! Hanubayan...
Grabe. Ang dami talagang nangyari these past few days. Ang masasabi ko lang, I'm so disappointed with (?) myself. Wala lang. Akin nalang 'yun. Wahahahaha!
Yuck. Kahit wala masyadong kwenta itong post na ito, gusto ko pa rin itong ilagay sa blog ko. Wala lang. Kasi para sa akin, masarap yung feeling ng binabalikan ang mga post na ito kung saan ilang araw na lamang ay gagraduate na ako. Kumbaga, ang pinakatitle ng mga recent posts ko ngayong March ay "As I Walk The Aisle". Haha... gets niyo ba?
Parang ganito yun...
Diba, sa simula ng graduation, maglalakad tayo ng sobrang bagal? Ang isinisimbolize ng paglalakad na iyon ay ang mga araw na nalalabi bago sumapit ang graduation. At kapag dumating na ang moment na nakarating na tayo sa ating upuan, ito ang magsisimbolong simula... ng graduation day? Ewan. Bahala na.
At least ako, nagets ko. Haha!
Pasensya na talaga ah... hindi talaga ako makapag-isip. Tapos, hindi rin ako komportable sa pagtytype ngayong araw na ito.
Ahahahaha... salamat ulit sa pagcocomment sa mga wala kong kwentang posts, Mang Gerome!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home