::SEIJI KAWAZU::
Saturday, March 10, 2007

Dilemma


Waw. Magkasunod na entry. Kagulat ba?


Nalilito ako ngayon kung anong landas ang aking tatahakin. TLE ang ugat ng lahat ng ito. Namimili tuloy ako sa pagitan ng Civil Engineering, Chemical Engineering at Electronics and Communications Engineering.

Why Civil Engineering?

Ito lang naman kasi ang pinakaunang pumasok sa aking utak, inspired by Michaelle Cueco's ate. Kaya lang, matapos kong balangkasin ang aking mga kakayahan, I realized that Physics will never love me kahit gaano pa kagaling magturo si Sir Bau. Haay... ang drama ba? Ayon sa mga tao sa aking paligid, lahat naman daw ng Engineering courses ay may pisika. Ang kaso, masyado raw marami sa Civil. Hindi ko kayang lulunin ang hirap, lalo na't, katulad nga ng sabi ko, hindi ako mahal ng Pisika. Hehe. Ito nga pala ang nailagay kong first choice sa aking Application Form. Wish me the best of luck.

Bakit naman Electronics and Communications Engineering?

Dahil siguro sa guro naming si Ginoong Bangayan, naisip ko na magiging madali na sa akin ang ECE sa kolehiyo dahil kahit papaano ay may background na ako sa mga aralin ukol dito. Ang kaso, palagi akong late sa klase niya. Kaya naman hindi ko masyadong naabsorb ang lahat ng kanyang mga naituturo. Bukod pa roon, medyo pasang-awa ang mga grado ko sa kanya. Medyo discouraging, hindi ba? Hehe... second choice ko naman iyon sa aking Application Form.

And Chemical Engineering?

Dahil nga sa kagalingan ng aming guro na si Binibining Coco, nainspire akong isali sa aking dilemma ang Chem Eng. Kahit papaano naman, naging maganda ang aking mga grado sa Kimika noong ikatlong taon. Medyo ok rin naman ang mga grado sa Advanced Chemistry. Pero ewan. Mahirap na rin ang magshift.

Kailangan nang magbalangkas. Ano kaya sa tatlo ang landas na tatahakin? Kung ano man sa ito ang aking pipiliin, naway maging maunlad ako sa propesyong ito. Hehe. Drama ba?

Mayroon pa.

Sa hindi malamang kadahilanan, qualified ako sa scholarship ng MAPUA. Hehe. Na-flatter nga ang bits (bitch). Ibig sabihin kasi noon, mas mataas sa 80% ang aking nakuha. So you see? Haha. Umaakyat na naman ang aking dugo sa aking visage.

Napakaganda ng mga benefits kung saka-sakaling kakaririn ko ang scholarship sa iyon. 'Yun nga lamang, sa tingin ko, medyo nabadtrip sila noong tinanong kong "Maaari po bang magproceed sa screening ng scholarship kahit hindi pa ako nakakapagconfirm ng slot?" Hahaha. Reservation kasi ang term nila; confirmation ang term na ginagamit sa UP. Hehe.

Hay...

Hehehe... sana nga Mang Gerome, makapag-UP ako. Hehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

About

 My Photo

Name: John Paul Abad

Location: Las PiƱas City, PH


~Padolina 04~
~Marconi 05~
~Linnaeus 06~
~Moseley 07~

Summer na naman. Mainit na naman. These are the times when I find myself lost for words.




HUGS FOR KAMBING

Since kolehiyo na rin naman tayong lahat, napag-isipan ko na ring maglagay ng hugs counter tulad nina Ms. Pau Siu at Ms. Klyonne. Hahahaha! I-hug niyo naman ang kambing!


*HUGS* TOTAL!

GIVE John Paul more *HUGS*!

Get hugs of your own



Tagboard


Previous Posts

  • Wala Lang
  • Of Gratitude and -------
  • Tadyak ng Kabayo
  • Turning Point
  • Need A Break
  • Reunion: The Aftermath
  • Blisters of Boredom
  • When I Think None, I Speak Much
  • Today, I Speak Nonsense
  • Arf! Arf!
  • Archive

  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • October 2007
  • October 2008


  • Links


    Visits



    SCHEDULE (1ST SEMESTER)


    Monday and Thursday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    1:00PM - 2:00PM = PE 2 AR Arnis

    2:30PM - 4:00PM = Philo 11 Logic

    4:00PM - 5:30PM = Kas 1 Kasaysayan ng Pilipinas



    Tuesday and Friday

    8:30AM - 9:45AM = Math 17 College Algebra and Trigonometry

    10:00AM - 11:30AM = MS 1 Oceans and Us

    1:00PM - 2:30PM = Comm 3 Practical Speech Fundamentals

    2:30PM - 4:00PM = Hum 1 Humanidades



    Credits
    ~Metaswee~