Thanks to You
Grabe naman. Parang kaninang umaga lang, depressed ako dahil sa 'gabundok ng mga problemang naibabato sa akin. Ito nga ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit na maaga akong nagising, minarapat kong magkulong at huwag pumasok. Ewan ko. Buti na lamang, maraming pampalubag loob.
Marami nga pala akong gustong pasalamatan. Salamat sa mga taong dumamay sa akin, whether directly or indirectly. Haha... ewan. Kilala niyo na kung sino kayo, at pwede kayong magfeeling kung gusto niyo.
Mag-eenumerate ba ako ng isa?
Okay.
Ang sarap talaga ng feeling kapag may dumarating na isang letter, lalo na kung naka-address ito sa iyo. Ang kaso, hindi ako ang nakatanggap, dahil nga wala ako noong mga oras na iyon sa bahay. Wala rin ang mga magulang. Ang tangi lamang nakatanggap ay ang tenant na nangungupahan sa amin. Hehehe... Mang Nestor kinda congratulated me nang ako'y maqualify (ehem... naooverwhelm lang ako... pagpasensyahan na) sa E.T. (Edwardson Tagura?) Yuchengco Institutional Scholarship. Hahahaha! Naooverwhelm lang talaga ako! Woohoo! Pasensya na!
So ayun. Masasabi kong isa si Jerome E. dela Cruz (Head of Center for Scholarship and Financial Assistance) sa mga nagpalubag ng aking loob. Siyempre, isa rin si Mang Nestor! Haha!
Kei.
Ang kaso... hindi naman talaga ako mag-aaral sa MAPUA eh. Pero sayang talaga... sana sa UP nalang 'yung scholarship na iyon. Mahirap lang naman kasi kami kaya ako nag-aaspire maging Iskolar ng Bayan, you bitch!
Salamat talaga sa lahat.
Anyway...
Pasensya na talaga kung hindi ako nakasama sa bonding time ng Linnaeus. Alam ko naman na I have missed half of my life nang hindi ako nakasipot, kaya huwag MO nang ipamukha.
SORRY.
Anyway, ulit...
Hey You! Yeah, You... salamat talaga sa Iyo. Pinakinggan Mo ako. Sa mga hindi naniniwala sa Kanya, all I can say is that you, as well, are missing half of your lives.
Half-life? Yuck... haha!
1 Comments:
At 9:54 PM,
potpot said…
tsk.. ayaw mo sa mapua?? hihihi...
Post a Comment
<< Home