Someone's Friendster Profile
Hay... madaling araw na. As usual, wala akong magawa. Tulog na ang halos lahat ng mga tao sa aking messenger list kaya naman napag-isipan kong magmuni-muni sa Friendster. As usual, nagbrowse ako sa mga profiles ng kung sinu-sino. Pero siyempre, MaScians pa rin naman ang domain ng mga profiles na tinitingnan ko.
Nakaheadphones mode nga ako ngayon eh. Nakagawian ko na talagang magbukas ng Windows Media Player (okay, poor lang kami eh. hehe) sa tuwing ako'y magcocomputer, mayroon mang ginagawa or wala. So ayun.
Ilang profiles din ang mga nadaanan. Habang nakikinig ako sa paborito kong kanta, bigla na lamang may nag-play na BGM. Well, courtesy, of course, ng kanyang Friendster profile. Wala lang. Mas pinili kong pakinggan 'yung napakasimpleng BGM na iyon. I just felt nostalgic about... things.
"Hindi na maibabalik ang nakaraan"That was the status message of a friend in my Yahoo Messenger list hours ago.
That person - the one who owns the Friendster profile... wala lang. Was it envy or admiration? Well, kung ano man sa dalawa, ang masasabi ko lang, talagang napakaswerte niyang tao. Sa pagkakatanda ko, nasabihan na niya ata ako na adik raw ako sa Math. Ewan. It's just that... pagkatapos ng lahat ng kanyang mga papuri sa aking mga walang kwentang skills, I still find that person luckier than me. Ewan. Masama ang mag-compare, anyway.
Hehehe... wala lang. Salamat talaga sa napakasimpleng BGM (tama kaya ang term ko?) na iyon.
Grabe. Hindi ko sasabihin ang pangalan ng taong iyon. Acquainted naman kami pero hindi gaanong close.
Hehehe...
Hay... good day! Habang ako'y nagtytype dito, ang lahat naman ay tulog na. May all of you have a good night sleep!
Hay... I'm like so emo again! But siyempre, being emo doesn't always mean sadness. Wala lang. Nostalgia nga eh, bitches!
Wala sanang limutan ha! T_T
0 Comments:
Post a Comment
<< Home